Lalakeng pinara sa Oplan Sita nakuhaan ng baril, arestado

PARACALE CAMNORTE- Arestado ang isang lalake matapos  umanong makuhaan ng baril habang nagsasagawa ng Oplan Sita ang mga kapulisan sa Barangay Tugos, Paracale Camarines Norte Lunes ng gabi.

Batay sa report ng Paracale Municipal Police Station, pinara ng mga pulis ang motorsiklong minamaneho ng suspek na nakilalang si Alvin Maranan Jr. y Quizon 45 anyos, residente ng Barangay Mantagbac sa bayan ng Daet, upang i- check ang lisensya at dokumento ng motorsiklo.

Nang buksan ng suspek ang body bag nito dito na tumambad sa sumitang pulis “in plain view doctrine” ang handle ng hindi mabatid na kalibre ng baril.

Sa pag beripika ng mga awtoridad napag alamang kalibre 45 baril pala ang laman ng bag na loaded ng bala.

Wala umanong kaukulang dokumento ang naturang baril kaya’t agad na inaresto ang supek.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Law on Firearms and Ammunition act.

Ayon sa Camarines Norte Police Provincial Office, patuloy silang magsasagawa ng malawakang kampanya kontra loose firearms at Oplan Sita activities upang mapaigting ang crime prevention.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *