LEGAZPI CITY – Arestado ang isang lalaki sa drug buy-bust operation na ikinasa ng mga operatiba sa Purok 1, Brgy. Kimantong, Daraga, Albay.
Kinilala itong si Jomel Mailo Loveriza, 22 anyos, construction worker at residente ng Purok 2, Brgy. Victory Village North, Legazpi City.
Pinagbentahan nito ang poseur buyer ng isang pakete ng pinaniniwalaang shabu at nang makuha na ang P1,500 na ginamit bilang buy bust mone, dito na siya inaresto, at narekober pa sa kanya ang dalawang pirasong hinihinalaang shabu.
Napag-alaman din na dati nang nakulon ang suspek dahil sa kasong paglabag sa Anti-Fencing Law matapos magbenta ng cellphone na galing sa nakaw.
Samantala, sinubukan pa nitong magmakaawa sa mga otoridad na kung maaari ay huwag na siyang ikulong.
Sa ngayon, ang suspek ay hawak na ng Legazpi City Police Station, habang inihahanda ang kasong isasampa sa kanya na paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Simula bukas ay maguumpisa na ang 'Car-free Sundays' sa Maynila, 'o 'yung pagbabawal sa mga…
Wala umanong itinatago si dating Philippine National Police (PNP) chief Retired PGen. Oscar Albayalde sa…
Sinagot ni Department of Labor and Employment (DOLE) Sec. Bienvenido Laguesma ang naging paratang ni…
Tumama sa earth ang pinakamalakas na solar storm sa nakalipas na 2 dekada. Dahil dito…
Ibinunyag ni Philippine Coast Guard spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela ang…
Nagpaabot ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naulila ng isang 10-anyos na…