Lalaki, arestado dahil sa kasong pang-aabuso sa Tiwi, Albay

Humihimas na sa malamig na rehas ang isang 45 anyos na lalaki mataoos hulihin ng mga otoridad sa Barlin St., Brgy. Tigbi, Tiwi Albay dahil sa kasong pang-aabuso.

Kinilala ang suspek na si alyas “Joel”, heavy equipment operator, residente ng San Antonio, Jasaan Misamis Oriental at pansamantalang naninirahan sa Purok 4,  Brgy. Libjo, ng nabanggit na bayan.

Ayon sa report, hapon nang puntahan ng Tiwi MPS ang kinaroroonan ng suspek upang isilbi sa kanya ang warrant of arrest para sa nasabing kaso.

Aabot sa PHP72,000 ang inirekomendang piyansa ng korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Sa ngayon ang akusado ay pansamantalang nananatili sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *