Lalaki, arestado dahil sa paglalaro ng ‘Baklay’; mga kasama, nakatakbo

BATANGAS – Arestado ang isang 45-anyos na lalaki matapos na maabutan ng mga nagpapatrolyang kapulisan na naglalaro ng ‘Baklay’ sa Barangay Pantay, Calaca, Batangas, bandang 11:00 kagabi ng Miyerkules.

Kinilala ang suspek na si Licerio Beadoy y Mendoza, may asawa at residente ng Brgy. Gumamela, Balayan, Batangas.

Ayon sa imbestigasyon ng Calaca Municipal Police Station, nagpapatrolya ang kanilang patrol team ng madaanan ang mga nakukumpulang indibidwal sa isang bahay sa Sitio Pag-asa ng naturang barangay.

Matapos lapitan ay nadiskubre ng mga awtoridad na may hawak ang mga ito na bahara at naglalaro ng iligal na larong Baklay.

Agad na kumaripas ng takbo ang mga ito matapos makita ang mga pulis habang tuluyan namang naiwan at naaresto si Beadoy.

Kasalukuyan siyang nakadetina at kaharapin ang kasong paglabag sa PD 1602 o Illegal Gambling.

Narekober ng mga awtoridad sa lugar ang ginamit nilang mesa, mga chips, set ng baraha, mga chalks at perang nagkakahalaga ng 64 pesos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *