Lalaki, arestado matapos magpositibo sa drug buy-bust operation sa Tabaco City

Inaresto ng mga otoridad ang isang lalaki matapos magpositibo sa isang drug buy-bust operation sa P-6 Brgy. Basud, Tabaco City, Albay.

Kinilala ang suspek na si “Lot”, residente ng P-2 Brgy. Baranghawon ng nasabing lungsod.

Ayon sa report, hapon nang ikasa ng Tabaco City Police Station, kasabay ang iba pang unit at sa koordinasyon sa Phil. Drug Enforcement Unit (PDEA) 5 ang nasabing operasyon sa parehong lugar.

Kumagat sa pain ang suspek matapos nitong pagbentahan ang poseur buyer ng isang medium heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu na may timbang na 0.74 grams at may street value na mahigit P5,000 sa halagang P3,000 buy-bust money.

Nang magkaabutan na ng item at pera, dito na hinuli ng mga kapulisan ang suspek.

Dinala naman ang suspek kasama ang mga narekober na ebidensya sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *