Lalaki, arestado matapos mahulihan ng iba’t ibang uri ng baril, mga bala at iligal na droga sa Pio Duran, Albay

LEGAZPI CITY – Arestado ang isang lalaki sa Sitio Matanag, Brgy. La Medalla, Pio Dura, Albay matapos itong makuhanan ng iba’t ibang uri ng baril, mga bala at iligal na droga ng mga otoridad.

Kinilala ang suspek na si Ricky Pelecia y Panteriore, 38 anyos, walang asawa at residente ng nasabing barangay.

Nahuli ito sa pamamagitang sama-samang pwersa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Albay, kasama ang 93rd SAC-9SAB at Pio Duran MPS, kung saan tinungo ng mga ito ang bahay ng suspek upang isilbi ang search warrant.

Nakuha sa kanya ang isang unit ng itim na original ballistic sling bag; isang unit ng cal. 9mm pistol na may kasamang steel magazine, 9 na basyo ng bala para sa cal. 9mm, isang unit ng cal. 30 M1 carbine rifle at marami pang bala at mga baril.

Maliban dito, nakuha din ang isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang “shabu”, at iba pang drug paraphernalia.

Kasong paglabag sa Republic Act No. 10591 o ang Comprehensive Law on Firearms and Ammunition Act ang isasampa sa suspek, at nasa kustodiya na ito ng pulisya para sa kaukulang disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *