Lalaki, arestado sa drug buy-bust operation sa bayan ng Manito, Albay

LEGAZPI CITY – Sa kulungan na ngayon ang bagsak ng isang binata matapos masakote ng mga otoridad sa drug buy-bust operation sa P-3, Brgy. Balasbas bayan ng Manito, Albay.

Kinilala ang suspek na si alyas “Enrique”, 40 anyos at residente ng Purok 3, Brgy. Buyo ng nasabing bayan.

Ayon sa report, hapon nang magsagawa ng isang operasyon laban sa iligal na droga sa lugar laban sa suspek.

Kumagat sa pain ang suspek matapos nitong pagbentahan ang poseur buyer ng isang small heat-sealed transparent plastic sachet na pinaniniwalaang “shabu” sa halagang PHP 500 bilang buy-bust money.

Narekober din sa suspek sa isinagawang body search ang pitong piraso ng small sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng nasabing item na may timbang na 3.5g at nagkakahalagang PHP 23,800 at perang ginamit bilang buy-bust money.

Sa ngayon ang suspek ay nasa kustodiya na ng pulisya para sa kaukulang disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *