LEGAZPI CITY – Kulungan ang bagsak ng isang 41 anyos na lalaki matapos itong maaresto sa ikinasang drug buy-bust operation sa Purok 1, Brgy. 34-Oro Site, Legazpi City.
Kinilala ang suspek na si Alberto Basabe Mocafil, residente ng nasabing barangay.
Sa ulat, ikinasa ng Legazpi CPS ang operasyon laban sa suspek , kung saan kumagat ito sa pain matapos pagbentahan ang nagpanggap na buyer ng hinihinalang “shabu” na tumitimbang na humigit-kumulang 2grams sa halagang PHP17,000.
Agad na inaresto ang suspek matapos magkaabutan ng item at buy-bust money.
Pansamantalang nasa himpilan ng pulisya ang suspek kasama ang nasamsam na items para sa kaukulang disposisyon.