Lalaki, arestado sa drug buy-bust operation sa Ligao City; 2 pang mga kasamahan nito, nakatakas

LEGAZPI CITY – Arestado ang isang 34 anyos na binata sa ikinasang drug buy-bust operasyon ng mga otoridad sa Brgy. Paulog, Ligao City, Albay, habang dalawa pang mga kasamahan nito ang nakatakas.

Kinilala ang naarestong suspek na si alyas “Joseph”, residente ng Brgy. Batang ng nasabing lungsod, habang ang mga nakatakas naman ay sina “Jeric”, residente ng Brgy. Tuburan, at si “Arnisto”.

Ayon sa report, gabi nang isagawa ng SOU 5 kasabay ang RMFB 5, Ligao CPS at iba pang mga yunit ang nasabing operasyon sa nabanggit na lugar laban sa nahuling suspek.

Kumagat sa pain ang suspek matapos nitong pagbentahan ang isang nagpanggap na buyer sa halagang PHP500.

Nang magkaabutan na rin ng item, dito na inaresto ng otoridad ang suspek subalit mabilis namang tumakbo ang dalawang kasamahan nito sa hindi malaman na direksyon.

Narekober sa suspek ang apat na heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng suspected “shabu” na may timbang na humigit-kumulang 15g na nagkakahalagang mahigit PHP100,000, motorsiklo na may temporary plate number na 9375PA at iba pang non-drug items.

Ang suspek at ang narekober na kagamitan ay dadalhin sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *