Lalaki, arestado sa drug buy-bust operation sa Oas, Albay; mahigit PHP 700,000 halaga ng shabu, nasamsam

Tiklo ang isang lalaki matapos magpositibo sa drug buy-bust operation sa Purok 1, Brgy. Iraya Norte, Oas, Albay.

Kinilala ang suspek na si alyas “Jose”, may asawa at residente ng Ligao City ng kaparehong lalawigan.

Ayon sa report, nagsagawa ng anti-illegal drug operation ang mga otoridad laban sa suspek at nahuli ito nang pagbentahan ang poseur buyer ng isang plastic sachet na may lamang pinaniniwalaang shabu sa halagang PHP 1,000.

Narekober sa kanya ang dalawang plastic sachets na naglalaman ng nasabing item na tumitimbang ng humigit-kumulang na 100g at isang Cal. 22 revolver.

Aabot naman sa PHP 714,000 na halaga ng shabu ang nasamsam ng mga operatiba sa lugar.

Sa ngayon, ang suspek at mga narekober na item ay nasa kustodiya na ng Oas MPS para sa kaukulang disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *