Lalaki, arestado sa drug buy-bust operation sa Polangui, Albay; suspek, nahulihan pa ng pitong bala ng isang klaseng baril

Inaresto ng mga otoridad ang isang 31 anyos na lalaki matapos magpositibo sa drug buy-bust operation sa Brgy. Alnay bayan ng Polangu,i Albay.

Kinilala ang suspek na si alyas “Nathaniel”, residente ng Brgy. Sto. Niño, Bula, Camarines Sur.

Ayon sa report, nagsanib-pwersa ang Polangui MPS, kasama ang RPDEU-5 team Albay; at iba pang unit upang magsagawa ng buy-bust operation laban sa suspek.

Kumagat sa pain ang nasabing suspek matapos nitong ibenta sa isang poseur buyer ang isang malaking plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na humigit-kumulang 15 grams kapalit ng PHP40,000.00 bilang buy- bust money.

Sa pagsasagawa ng body search sa suspek, nakuha pa sa kanya ang isang malaking plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang “shabu” na tumitimbang ng mahigit kumulang 15 grams na may tinatayang market value na P102,000 at iba pang drug paraphernalia, weighing scale; dalawang improvised tooter; lighter, at pitong live ammunition para sa Cal. 38.

Sa ngayon ang suspek ay dinala sa Polangui MPS para sa kaukulang disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *