Lalaki, arestado sa drug buy-bust operation sa Polangui, Albay

LEGAZPI CITY – Sa kulungan ang bagsak ng 41 anyos na lalaki matapos mahuli sa drug buy-bust operation sa Brgy. Kinale, Purok 7, Rancho Imperial Subdivision sa bayan ng Polangui, Albay.

Kinilala ang suspek na si Jehiel Lotivo Navarez, may asawa at residente ng Zone 3, Brgy. Magurang ng nasabing bayan.

Ayon sa report, kumagat sa pain ang suspek matapos pagbentahan ang poseur buyer ng tatlong pirasong heat-sealed transparent plastic na may lamang pinaniniwalaang “shabu” na may bigat na 0.5g na nagkakahalagang P3400.

Narekober pa sa suspek ang pera na ginamit bilang buy-bust money sa halagang P3,000.

Maliban dito, nakuha pa sa kanya ang limang pirasong heat-sealed transparent plastic ng kaparehong item sa halagang P6,800.

Ang suspek ay agad na dinala sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *