Lalaki arestado sa drug buybust operation sa Puerto Princesa

Arestado sa ikinasang Drug Buy Bust Operation ng City Police Drug Enforcement Unit, Police Station-1 at Anti-Crime Task Force ang isang drug suspect sa Purok Matapat, Brgy. San Jose, Puerto Princesa City, ganap na 11:25 ng umaga September 16, 2021.

Kinilala ang naaresto na si Asidal Madjirol Asmad @ Asmad (SLI/Pusher) 25 anyos, tricycle driver residente ng Purok Princeville Brgy. Sta. Monica, lungsod ng Puerto Princesa.

Nakuha sa suspek ang (1) heat sealed transparent plastic sachet (buy bust item) na pinaniniwalaang shabu, Php 1,500 (buy bust money) , 1 unit cellphone Nokia color black.

Nahaharap na ngayon ito sa kasong paglabag ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *