Lalaki arestado sa pananaga sa kanyang kainuman

JOSE PANGANIBAN CAMARINES NORTE- Arestado  ang   isang  37   anyos  na   lalaki   matapos   na   managa   ng  kainuman sa Purok 2, Barangay Dayhagan, Bayan ng Jose Panganiban

Ang biktima ay kinilalang si  ALDWIN VILLAR y Maderal, 43 taong gulang, habang kinilala ang suspek na si PORFIRIO AGUA Jr y Escreza, 37 anyos

Ang mga nabanggit ay kapwa residente sa naturang lugar

Sa report ng pulisya,  ang dalawa habang nag-i-inuman sa bahay ng kapatid ng biktima   ay  nagkaroon   ng   hindi   pagkakaintindihan na naging dahilan  upang ang suspek  ay kumuha   ng   itak  at doo’y  pinagtataga  ang   biktima   sa   iba’t-ibang  parte   ng kanyang katawan.

Ang naturang biktima ay agad na sisinugod  sa pinakamalapit na pagamutan para sa agarang lunas at kalaunan ay nilipat sa Camarines Norte Provincial Hospital.

Agad namang naaresto ang suspek sa pamamagitan ng ginawang follow-up operation ng Jose Panganiban MPS at kasalukuyang nasa kustodiya ng Jose Panganiban MPS para sa kaukulang disposisyon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *