Lalaki binaril sa Roxas Palawan nang dahil sa tsismis.

Isang insidente ng  pamamaril ang naganap nitong Hunyo 19, 2021 bandang 10:00 ng gabi sa Purok Bagong Silang (Linapawan), Brgy.  Dumarao, Roxas, Palawan.

Ang biktima ay si Armelito Natural Urbano a.k.a “Jojie”, 38 taong gulang, may asawa, magsasaka, residente ng Purok Bagong Silang, Brgy.  Dumarao, Roxas, Palawan;  habang ang suspek ay kilala sa alyas Delmari / Delmar Urbano, 28 taong gulang, walang asawa, magsasaka, residente ng Purok Bagong Silang, Brgy.  Dumarao, Roxas, Palawan.

Ayon sa ulat ng Palawan Provincial Police Office, habang naglalakad pauwi ang biktima, ang suspek ay armado ng homemade na kalibre .22 na pistola at hinarangan sa harap ng kanyang gate ang biktima at kinompronta tungkol sa isang tsismis laban sa kanya.

Itinutok umano ni Alias ​​Delmar ang baril kay Armelito ngunit agad na kinuha ng biktima ang baril mula rito subalit, pinaputok ang baril na tumama sa itaas na bahagi ng baywang ng biktima.

Nagawa ng biktima na kunin ang baril mula sa suspek at pagkatapos nito ay tumakas ang suspek.

Nagtamo ng sugat  ang biktima, ngunit hindi umano ito isinugod sa pagamutan.

Isinuko ng biktima ang homemade caliber .22 pistol sa Barangay Dumarao, Roxas, Palawan at ngayo’y nasa pangangalaga ng Roxas MPS.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *