Lalaki, huli sa ikinasang drug buy-bust operation sa Legazpi City

LEGAZPI CITY – Himas-rehas ngayon sa kulungan ang isang 44 anyos na lalaki matapos magpositibo sa ikinasang drug buy-bust operation sa P-4, Brgy. 33, Penaranda, lungsod ng Legazpi, Albay.

Kinilala ang suspek na si alyas ” Ronel”, residente ng nabanggit na barangay.

Ayon sa ulat, hapon nang magsagawa ang Legazpi City Police Station ng isang operasyong may kinalaman sa ilegal na droga laban sa suspek.

Pinagbentahan nito ang poseur buyer ng isang heat-sealed transparent plastic sachet na may lamang pinaniniwalaang shabu at may timbang na humigit-kumulang isang gramo kung saan nagkakahalaga itong mahigit P6,000.

Nang magkapalitan na ito ng item ay dito na nagdeklara ang mga otoridad kung kaya’t hindi na nakapalag pa ang suspek.

Sa ngayon, ang suspek ay pansamantalang dinala sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *