Lalaki na breatharian nabubuhay lamang umano sa paglanghap ng sariwang hangin

ISANG lalaki na namumuhay bilang isang breatharian nabubuhay lamang umano sa pamamagitan ng paglanghap ng sariwang hangin at pag-papaaraw.

Ayon sa lalaki na kinilala bilang si Kirby, sa limang taon niyang nabubuhay bilang isang breatharian pitong beses lamang umano siya kung kumain sa loob ng sampung buwan.

Pagkukwento pa ni Kirby na dahil sa kanyang lifestyle wala na siyang maramdamang kahit na anong sakit sa katawan at pinatunayan niya ito sa pamamagitan ng pagpapakita ng kanyang medical report.

Samantala marami namang hindi sumang-ayon sa paraan ni Krirby dahil imbes na maging malusog baka daw mas humina pa ang resistensya at makakuha pa ng malubhang sakit.

Ngunut sa kabila ng mga pagtutuol kay Kirby, magpapatuloy parin umano siya sa kanyang nakagawian na pamumuhay.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *