Lalaki na may kasong panggagahasa arestado!

PARACALE, CAMARINES NORTE- Arestado ng pinagsanib pwersa ng mga miyembro ng kapulisan ang lalaking may kinakaharap na kasong panghahalay bandang alas 3:30 kahapon Mayo 12, 2021 sa Purok-5 Barangay Casalugan, Paracale, Camarines Norte.

Ang suspek ay nakilalang si MEL GLOBASA y Estingor, 34 anyos,  residente ng Purok 5, Barangay Casalugan, Paracale

Si Globasa ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest sa kasong “Rape in relation to RA 7610” na ipinalabas ng RTC Branch 64 ng Labo, Camarines Norte na may petsang Marso 31, 2017 at walang rekomendadong piyansa.

Ang arestadong personalidad ay kasalukuyang nasa pangangalaga na ng Jose Panganiban MPS para sa kaukulang disposisyon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *