LEGAZPI CITY – Sa kulungan ngayon ang bagsak ng isang magsasaka matapos arestohin ng mga otoridad sa Purok 1, Brgy. Tula-Tula Pequeño, Ligao City dahil sa kasong pangagahasa.
Kinilala ang akusado na si alyas “Nonoy” residente ng Purok 3, Brgy. Allang ng nasabing lunsod.
Ayon sa ulat, umaga nang puntahan ng pulisya ang lugar upang isilbi sa kanya ang warrant of arrest na pirmado noong Marso 13 ngayong taon dahil sa nasabing kaso.
Wala ring piyansang ibinigay ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Ang akusado ay agad na dinala sa Ligao City Police Station para sa kaukulang disposisyon.