Lalaki na may kasong panggagahasa sa isang menor de edad sa bayan ng Pio Duran, Albay, naaresto sa Bulacan

LEGAZPI CITY – Naaresto na ng mga otoridad ang 41 anyos na lalaki sa Brgy. Bulac bayan ng, Sta. Maria, Bulacan dahil sa kasong may kinalaman sa panggagahasa sa isang menor de edad sa bayan ng Pio Duran, Albay.

Kinilala ang akusado na si alyas “Jeff”, residente ng nasabing barangay.

Ayon sa report, hapon nang matagpuan ng kapulisan ang akusado, kung kaya’t agad na nila itong nilapitan upang isilbi sa kanya ang warrant of arrest na pirmado noong Oktobre 10, 2022 sa kasong statutory rape.

Walang ibinigay ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Samantala, nakatagdang ibyahe pabalik sa court of origin ang suspek upang harapin ang kasong isinampa laban sa kanya.

Sa ngayon ay hawak muna ng pulisya ang suspek para sa kaukulang disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *