Arestado ang isang 40 anyos na lalaki na miyembro ng ASISTIN Criminal Gang dahil sa iligal na pagbebenta ng baril sa Caloocan City.
Kinilala ng Caloocan City Polcie Station ang suspek na si Jovito Pazon A.K.A. KANGKANG at residente ng Bagong Silang, Caloocan City.
Naaresto ang suspek kaninang madaling araw matapos ang ikinasang buy bust operation ng mga awtoridad.
Nakumpiska sa suspek ang isang (1) Caliber .38 revolver na baril at mga bala.
Nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek at mahaharao sa kasong paglabag sa R.A. 10591 o Comprehensive Law on Firearms and Ammunition.
#