Lalaking nagbebenta ng baril, patay sa isinagawang gun buy-bust operation sa Bacacay, Albay

LEGAZPI CITY – Patay ang isang 27 anyos na lalaking nagbebenta ng baril sa isinagawang gun buy-bust operation sa Brgy. Banao, Bacacay, Albay.

Kinilala ang nasawing suspek na si alyas “Alwin”, residente ng Brgy. Binanuahan, lunsod ng Legazpi.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay PMAJ. Irvin Bellen, Chief of Police ng Bacacay MPS, sinabi nito, gabi nang isagawa ng mga otoridad ang nasabing operasyon kung saan napansin ng suspek na ang kanyang katransaksyon ay isang pulis.

Dahil dito, binunot ng suspek ang baril na revolver upang putukan nito ang police officer ngunit hindi naman ito tinamaan.

Mabilis namang gumanti ang pulis matapos paputukan nito ang suspek na naging dahilan ng kanyang agarang pagkamatay.

Aabot sa P5,000 ang halaga ng baril na ibibenta ng suspek sa kanyang katransaksyon na pulis.

Ayon pa kay Bellen, kabilang umano sa isang grupo ng magnanakaw sa lunsod ang suspek ngunit nagkataong mag-isa lamang ito sa nangyaring transaksyon.

Maliban pa rito, nagbebenta rin ito ng ilegal na droga at mga armas na hindi lisensyado na kinukuha sa Masbate base sa kanilang natanggap na impormasyon mula sa kanilang intelligence report

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *