Lalaki na napagkamalang nambato, sinaksak ng magpinsan- patay!

Patay ang isang Johny Tero, 50 anyos matapos pagsasaksakin ng dalawang kalalakihan bandang alas-onse kagabi sa Bgy. 1 Roxas Palawan.

Ang mga suspek ay magpinsan na sina John Eric Bungay 25 anyos at si Noel Orcio Bungay, 27 anyos pawang mga residente sa lugar.

Ayon sa Roxas PNP, pauwi ang dalawang suspek nang pagbabatuhin sila ng kalalakihan kagabi.

Inakala umano ng mga suspek na ang biktima ang nambato na noo’y sumusunod sa kanila kaya pinagsasaksak nila ito sa iba’t ibang parte ng katawan.

Samantala, agad na nahuli ng pulisya ang magpinsan sa manhunt operation ng PNP at narekober ang kutsilyo na may haba na 30 centimeters.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *