Lalaki na natulog sa hindi sariling bahay, hinuli

Hinuli ng mga baranggay tanod sa Moreno Block 1 Purok Pinagpala Barangay San Manuel, Puerto Princesa ang isang 19 anyos na kinilalang si Jose Manuel Heredero.

Ito ay matapos siyang ireklamo ni Mrs. Via Vargas dahil naabotan daw nito na natutulog sa loob ng kanyang bahay si Heredero at isa pang lalaki kahapon ng umaga, ika-12 ng Enero.

Ayon sa kwento ng ginang ay nagulat na lamang siya nang magising at makitang may dalawang lalaki na natutulog sa kubo sa kanyang bakuran habang nasa impluwensya ng alak kaya agad siyang nagsumbong sa pulisya.

Pero depensa ni Heredero na hindi siya matutulog at isa pa niyang kasama sa loob ng bahay kung hindi pumayag  ang  anak na babae ng may-ari. Wala rin aniya siyang masamang hangarin sa pagpunta sa lugar.

Sa huli ay nagdesisyon ang may-ari ng bahay na patawarin na lamang sa nagawa si Heredero.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *