Lalaki, nabangga ng kotse habang tinutulungan ang mga itik na tumawid sa kalsada

Isang lalaki mula sa California ang nasawi matapos mabangga ng kotse habang tinutulungan ang mga itik na tumawid sa kalsada.

Kinilala ng Rocklin Police Department ang biktima na si Casey Rivara.

Nangyari ang insidente sa intersection ng Stanford Ranch Boulevard noong May 18.

Ayon kay Tracey Rivara, tiyahin ni Casey, pauwe na ang biktima at dalawang anak mula sa swim practice nang makita nila ang isang mama duck at ducklings na nahihirapang tumawid.

Ipinarada raw ni Casey ang kanyang sasakyan sa gilid ng kalasada at tinulungan ang mga itik ngunit nabangga naman siya ng paparating na kotse na minamaneho ng isang teenager na babae

Hindi agad inaresto ang teenager habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa insidente.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *