Lalaki, nalunod patay sa Bataraza

Patay ang isang 44 anyos na lalaki matapos malunod bandang alas- diyes ng umaga kahapon, ika- 12 ng Oktubre 2022 sa Sitio Marabahay, Brgy Rio tuba, Bataraza, Palawan.

Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Michael Bilbao Seco na residente ng Tagbubunga, Palompon, Leyte.

Sa imbestigasyon ng PNP, naglinis umano ang biktima at isang kasama nito nang barge bilang paghahanda sa inspeksyon na gagawin ng MARINA. Binuksan ng biktima ang isang manhole at nakitang may tubig sa loob nito.

Binaba umano ng biktima ang manhole at sinukat ang lalim ng tubig na naroon subalit nang siya’y paakyat na ay nadulas ito at tuluyang nalunod.

Sinubukan pang iligtas ng kasama si Michael subalit nabigo ito.

Idineklarang patay ang biktima sa RTNFI Hospital.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *