Lalaki, nanaksak ng kainuman sa Lipa City, Batangas

Nasa kostudiya na ngayon ng mga awtoridad ang isang lalaki na suspek sa pananaksak ng kanyang naka-inuman sa Lipa City, Batangas.

Kinilala ng Lipa City Police Station ang suspek sa krimen na si Jherico Dator, 24 anyos at residente ng isang subdivision sa Brgy San Lucas ng nasabing bayan.

Ayon sa imbestigasyon, alas-12 kaninang madaling araw habang pareho ng nasa impluwensya ng alak ang suspek at ang biktima na si Jay- r Amatorio, 32 anyos ng maganap ang nasabing krimen.

Nagkaroon umano ang mga ito ng hindi pagkakaunawaan at mainit na argumento.

Dahil dito, umuwi ng kanilang tahanan ang suspek para kumuha ng isang kitchen knife at pagkabalik nito ay kaagad na sinaksak ang biktima gamit ang naturang bagay.

Nagtamo ng mga sugat sa kanyang dibdib at kaliwang bisig ang biktima bunsod ng pananaksak.

Sa ngayon, ay hinahanda na ang kaso na isasampa laban sa naturang suspek sa krimen habang nagpapagaling naman ang biktima.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *