Lalaki patay matapos mabaril sa serye ng random attack sa New York City subway

Isa na namang 48 anyos na lalaki ang patay matapos mabaril sa serye ng random attack sa New York city subway.

Ayon sa report, mabilis na tumakas ang hindi nakilalang suspect matapos mamaril sa train station sa Manhattan.

Sa inisyal na imbestigasyon, pabalik-balik na naglalakad ang suspect sa train car hanggang sa walang anu-anong bumunot ng baril saka pinutukan ang biktima nang malapitan.

Tanging natukoy sa suspect ang balbas, dark complexion at nakasuot ng sweatshirt at sweat pants nang isagawa nito ang krimen.

Lumabas sa imbestigasyon na hindi magkakilala ang biktima at ang suspect at walang nangyaring interaction bago ang pamamaril.

Naitakbo pa sa Bellvue hospital ang biktimang hindi muna pinangalanan pero idineklara itong dead on arrival

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *