Lalaki, patay matapos magulungan ng trailer truck sa Isabela

Patay ang isang tsuper ng single motorcycle matapos bumangga at magulungan ng sinusundang trailer truck sa pambansang lansangan na sakop ng Brgy. Paddad, Alicia Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan mula sa PNP-Alicia, kinilala ang nasawi na si Angelito Mapalo, 43 anyos, at residente ng lugar.

Habang ang tsuper ng trailer truck ay nakilalang si Edgar Villaflor, 44 anyos at residente ng Brgy. Pinoma, Cauayan City, Isabela.

Batay sa imbestigasyon ng PNP, ang dalawang sasakyan ay kapwa galing sa timog na direksyon patungo sa bayan ng Alicia nang aksidenteng bumangga ang motorsiklo sa sinusundang trailer truck.

Dahil sa lakas ng pagkakabangga ay bumagsak sa sementadong daan si Mapalo hanggang sa magulungan at pumailalim pa sa naturang trailer truck.

Bagamat isinugod pa sa gamutan si Mapalo subalit ideneklarang dead on arrival.

Habang ang tsuper na si Villaflor ay nasa kustodiya na ng PNP-Alicia para sa karagdagang imbestigasyon at tamang disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *