Lalaki, patay matapos pumalag sa mga holdaper sa Lucena City

Masaklap ang sinapit ng mga kaanak ni Angelo Andes, 18 anyos matapos itong pagbabarilin dahil sa pagpalag nito sa dalawang hindi pa nakikilalang holdaper sa Lucena City nitong Linggo, Mayo 9.

Ayon kay Lucena Chief of Police, Col. Romulo Albacea, dakong alas 7:00 ng gabi sa ng holdapin si Andes kasama ang kanyang kaibigan na si Jomar Micmic kung saan pilit na inaagaw ang tablet ng biktima sa likurang bahagi ng Mayao Parada Agricultural Integrated High School.

Dahil ayaw itong ibigay ng biktima ay binaril ito sa ulo na naging sanhi ng agad niyang pagkasawi.

Samantala, nag-aalok si Mayor Roderick Dondon Alcala ng ng pabuyang Php 100,000 sa sinomang makapagtuturo sa suspek na bumaril at nakapatay kay Andes.

Kasalukuyang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Lucena City PNP para mahuli ang mga salarin. | via Brian Zagala, BNFM Lucena

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *