Lalaki patay matapos tagain ng kainuman sa bayan ng Capalonga

CAMARINES NORTE- Patay ang isang lalaki makaraang tagain ng kainuman mag- aalas 11 Miyerkules ng gabi sa Barangay Villa Belen, Capalonga, Camarines Norte.

Kinilala ang biktima na si Rommel Aler y Buhatin, 30 anyos, may asawa habang ang suspek ay kinilala lang sa alyas na  “Ricky”, 30 anyos, may asawa, kapwa residente ng nabanggit na lugar.

Batay sa ulat ng Capalonga Municipal Police Station nag iinuman umano ang suspek at biktima kasama ang kanilang mga kaibigan nang magkaroon ito ng pagtatalo.

Nauwi ito sa pananaga ng suspek sa biktima na nagtamo ng matinding pinsala sa leeg na siyang naging dahilan naman ng agarang kamatayan ng huli.

Inaalam pa ng pulisya kung ano ang ugat sa naturang pagtatalo na nagresulta sa pananaga at pagkamatay.

Inihahanda na rin ng Capalonga Municipal Police Station ang kasong isasampa laban sa suspek na ngayon ay nasa Camarines Norte Provincial Hospital.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *