Lalaki, patay sa pananaksak ng nakaalitan sa Mulanay, Quezon

Patay ang isang lalaki matapos umano itong saksakin ng nakaalitan nito sa bayan ng Mulanay, Quezon nitong Linggo, Mayo 14.

Kinilala ang biktima na si Jayson Chumacera, nasa hustong gulang, residente ng Barangay Sta. Rosa ng nasabing bayan.

Ayon sa report, dumalo noon sa pagdiriwag ng pistang barangay ang biktima at ang mga suspek na sina Noel at Jeffrey Lacsam, nang magkaroon ng alitan sa pagitan ng mga ito.

Nang papauwi na ang biktima sa kanilang tahanan kasama ang kanyang mga kaibigan, inabangan ito ng mga suspek at saka doon na ito sinaksak.

Nagtamo ng saksak sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktima kung kaya agad rin itong isinugod sa hospital para malapatan ng lunas habang agad namang tumakas ang mga suspek matapos ang insidente.

Kasalukuyan ng nagpapatuloy ang isinasagawang operasyon ng mga awtoridad upang maaresto ang naturang mga suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *