Lalaki, patay sa pananaksak sa Candelaria, Quezon; Love triangle, itinuturong motibo

Patay ang isang 40-anyos na lalaki matapos umano itong harangin at saksakin ng dalawang beses sa Purok 3, Barangay Malabanban Sur, Candelaria, Quezon nitong Miyerkules, Marso 29.

Kinilala ang biktima na si Allan Matutina, 40-anyos na magsasaka habang ang suspek naman ay si Christian Selga, 30-anyos, pawang mga residente ng naturang lugar.

Ayon sa report, pauwi na noon si Matutina sakay ng kanyang motorsiklo nang harangin  umano ni Selga ang kanyang daan at walang anu-ano’y makalawang beses itong sinaksak gamit ang isang kitchen knife.

Agad namang isinugod sa hospital ang biktima subalit idineklara rin itong dead on arrival.

Samantala, tumakas pa umano ang suspek subalit naaresto rin uto ng kapulisan kalaunan at narekober mula dito ang ginamit sa pananaksak.

Itinuturong motibo sa pamamaslang ay ang love triangle.

Kasalukuyan ng nasa kustodiya ng awtoridad ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong Murder.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *