Lalaki, patay sa saksak matapos bintangan na nagnakaw ng cellphone

Patay sa saksak ang isang 54 anyos na si Bonifacio Cabanag Dadivas ng Zone 1 Kalye Baho, Barangay Matahimik, Puerto Princesa City bandang alas-onse kagabi, ika- 25 ng Disyembre 2022.

Ang mga suspek ay kinilala ng PNP na sina Evanly Roflo Ursal @ Weng, 33 at alyas Mark.

Sa imbestigasyon ng PNP, bago ang pananaksak bandang alas-singko kahapon ay nagkaroon ng komprontasyon at mainit na pagtatalo ang biktima at mga suspek pero ito ay naawat ng may-ari ng boarding house kung saan nakatira ang biktima.

Kinagabihan ay sumugod ang mga suspek at sinipa ang kwarto ng biktima habang naroon ang kanyang live-in partner na si Rose Nicanor at isa nitong kaibigan na si Wilmar Lucaylucay.

Walang ano-ano’y bigla umanong sinaksak ng suspek na si alyas Mark si Wilmar sa dibdib pero nakatakas ito habang nasaksak naman sa iba’t ibang parte ng katawan si Bonifacio.

Isinugod pa sa Ospital ng Palawan ang mga biktima subalit kalauna’y namatay din si Bonifacio.

Samantala, sa panayam ng Brigada sa kinakasama ng biktima, sinabi nitong binintangan sila ng mga suspek na sila ang nagnakaw ng cellphone nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *