Lalaki, pinagbabaril-patay habang ka-video call ang anak

Patay ang isang lalaki matapos itong pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Barangay Camflora, San Andres, Quezon nitong Sabado, Hunyo 29.

Ayon sa report, nakahiga umano noon sa duyan ang biktimang si Hindri AriƱola, 68-anyos, habang nakikipag-usap sa kanyang anak sa video call nang barilin ito ng hindi pa nakikilalang suspek saka tumakas.

Dahil dito, isinugod sa hospital ang biktima para malapatan ng lunas subalit idineklara rin itong dead on arrival.

Sa ngayon, nagsasagawa ng operasyon ang mga awtoridad upang madakip ang suspek at matukoy ang motibo nito sa pamamaril sa biktima.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *