Lalaki sa Chicago, inaresto ng airport police matapos maglakad sa pakpak ng eroplano

Chicago USA—Inaresto ng mga airport police sa O’Hare International Airport ang isang pasaherong lalaki na sakay ng United Airlines Flight 2478 matapos itong gumawa ng iskandalo habang papalapag ang naturang eroplano.

Batay sa ulat, binuksan nito ang emergency exit door ng sinasakyang eroplano habang unti-unti na silang lumalapag.

Matapos buksan ang pintuan, naglakad ang nasabing lalaki sa pakpak ng eroplano na labis na ikinabahala ng piloto, mga crew at higit na ng kanyang mga kapuwa pasahero.

Maigi na lamang at walang masamang nangyari sa lalaki dahil agad naman umano itong pinigilan ng mga ground crew saka ipinaaresto sa mga airport police.

Dahil sa insidente, isinailalim sa kustodiya ng pamunuan ng nasabing paliparan ang lalaki na ayon sa kanila ay maaaring sampahan ng patong-patong na kaso dahil sa idinala nitong posibleng peligro sa mga kapuwa sakay nge eroplano.### JDR, BNFM Bicol

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *