Lalaki sa China, hindi matanggap sa trabaho dahil mukha pa ring bata kahit 27-anyos na

TOTOONG mahirap makahanap ng trabaho ngayong panahon, bukod sa mataas na kwalipikasyon ng ilang mga kompanya at mga employers, marami din ang mga nagsipag sarang kompanya matapos malugi dahil sa kinakaharap na krisis bunsod ng COVID-19, kung kaya’t marami pa rin ang mga “jobless” o walang hanapbuhay.

Sa bansang China, wala sa mga nabanggit ang dahilan kung bakit hindi matanggap-tanggap sa trabaho ang isang 27-anyos na lalaking si Mao Sheng, mula sa Guangdong Province.

Palagi siyang umuuwing bigo sa tuwing mag-apply ng trabaho dahil sakanyang hindi pangkaniwang pisikal na katangian.

Kahit 27-anyos na kase ang binata, mukha pa rin siyang bata na tila edad sampong taong gulang, dahilan kung bakit hindi siya nata-tanggap sa nais na pasukang trabaho dahil sa takot ng mga employer na i-reklamo sila ng paglabag sa child labor.

Nag viral sa social media sa China ang kwento ni Shao Meng at marami ang naantig sakanyang istorya na naging daan upang magbukas ang maraming oportunidad sakanya.

Sa kasalukuyan, mayroon nang trabaho si Mao Sheng matapos siyang tulungan ng isang negosyante sa lugar habang nakatakda rin itong ipakonsulta sa isang espesyalista upang isangguni ang kanyang health condition.### JDR, BNFM BICOL

Leave a Reply

Your email address will not be published.