Lalaki sa China, kumikita ng P9K kada araw sa pamamagitan ng pagtulog sa mga ‘Haunted House’

CHINA—Simula nang magkaroon ng pandemya, kanya-kanyang diskarte na tayong lahat upang matugunan lamang ang pang araw-araw na pangangailangan.

Marami ang nawalan ng hanapbuhay dahil sa mga nagsarang negosyo kaya naman upang mabuhay, lahat ng raket ay papatusin, maitawid lamang ang bawat araw.

Gaano ka pa man ka desperado na magkaroon ng mapagkakakitaan, papayag ka bang matulog sa mga umano’y haunted house upang kumita ng libo sa loob ng isang araw?

Iyan ang hanap buhay ng isang lalaki sa bansang China na kinilalang si Zhang. Ang kanyang trabaho ay tinatawag na ‘Haunted House Tester’ kung saan ang pagtulog sa mga bahay na may malagim na nakaraan ang kanyang ibinibigay na serbisyo.

Sa mga bansang katulad ng China at Japan, mayroon kaseng ipinatutupad na batas kung saan ay dapat na ilalahad ng mga real estate companies sa buyer ang history ng kanilang ibinibentang bahay.

May paniniwala kase ang mga Intsik na may hatid na malas ang mga bahay na nagkaroon ng malagim na nakaraan.

Kaya naman, kumukuha ang mga real estate companies ng mga tinatawag na ‘Haunted House Testers’ upang patulugin ang mga ito sa mga ibinebentang lumang bahay para mapatunayan sa mga buyers na hindi ang mga ito malas at hindi rin magdadala ng peligro.

Isa nga sa mga ito si Zhang na ayon sakanya ay iba’t-ibang uri na ng bahay ang kanyang natulugan. Sa loob lamang ng isang araw, kumikita si Zhang ng 1,140 Yuan o katumbas ng halos P9,000.

Bukod sa tatag ng loob, puhunan rin aniya ni Zhang ang mahabang pasensya dahil malayo ang kanyang nilalakbay kapag na de-destino sa mga haunted houses na nasa malalayong lugar.### JUMEL DELA ROSA, BNFM Bicol

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *