Human Interest

Lalaki sa China, walang kamalay-malay na ang kanyang naging karelasyon online, ay asawa pala ng kanyang mismong matalik na kaibigan

WALANG KAMALAY-MALAY ang isang lalaki sa china na si Zhou na ang babae kanyang naka date at nakarelasyon online ay asawa pala ng kanyang matalik na kaibigan.

Si Zhou ay umalis sa China patungong Myanmar para sa kanyang negosyo, sa kabila neto nagkakausap parin sila ng kanyang matalik na kaibigan na si Xiao Li.

Samantala dahil sa busy skedyul ni Zhou hindi na siya nakakakilala ng mga bagong tao sa buhay niya, dito niya naisip na pasukin na ang mundo ng online at duon makipag-usap.

Nakilala niya ang babaeng inakalang common friend lang ng kanyang matalik na kaibigan na si Xiao. Sa araw- araw na kanilang pag-uusap, lumalim ito ng lumalim hanggang sa tumagal ito ng isang buong taon, sa sobrang pagmamahal ni Zhou  nagagawa na niyang magpadala ng malalaking halaga ng pera para lamang sa luho ng kanyang kapareha.

Hanggang sa dumating sa punto si Zhou na gawin nang mas malalim ang kanilang relasyon, nakaplano na ang kanyang pag-uwi sa bansa sa kagustuhang makita at makasama na ang matagal na niyang karelasyon  online.

Subalit nang pauwi na siya sa China, nakatanggap siya ng isang tawag mula sa kanyang kaibigan at dito siya nito kinompronta sinabi nito na “mukhang naloko ka ata, dahil ang sinasabi mong girlfriend ay asawa ko lang naman”, nagpanggap lamang siya bilang kaibigan ko.

Matapos ang nangyari, pumasok sa isip niyang ireport ito para din sana maibalik ang nawalang niyang  pera ngunit si Xiao ay nakiusap na huwag nang paabutin sa ganoon dahil babayaran niya umano ang pera kahit paunti-unti.

Ngunit tila walang isang salita si Xiao dahil hindi din nito tinupad ang kanilang napag-usapan, kaya si Zhou ay  hindi  na nagdalawang pa si na mag file ng report at ipag sa batas na lang ang lahat, sa ngayon ang naturang kaso ay patuloy parin ang imbestigasyon.###CD

BNFM Bicol

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

3 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

3 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

3 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

3 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

3 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

3 hours ago