Lalaki sa England na NGSB, ipina-billboard ang sarili para makahanap ng ‘jowa’

AYON sa iba, ang pag-ibig daw ay hindi hinahanap dahil kusa naman itong darating. Pero paano kung hindi mo na kayang maghintay? Paano kung desperado ka nang magkaroon ng matatawag mong “The One”?

Sa bansang England, isang lalaking nagngangalang Ed Chapman ang  desperado nang magkaroon ng girlfriend dahil siya ay isang NGSB o ‘No Girlfriend Since Birth’ sa edad na 23.

Ayon kay Chapman, lahat na umano ng pamamaraan para magkaroon ng kasintahan ay kanya nang ginawa, kabilang ang pagpunta at pakikipag socialize sa mga bar, pagdalo sa mga blind dates at maging ang paggamit ng dating apps.

Sakabila ng mga ito, nananatili pa rin siyang single kung kaya’t nag desisyon na siyang ipa-bill board ang kanyang sarili para i-anunsyong siya ay naghahanap ng ‘pahinga sakanyang nakakapagod na mundo.’ (char!)

Bukod sakanyang larawan na nakasuot ng suit at may hawak na bulaklak, nakasaad rin dito ang mga katagang “Date Me” at ang email address kung saan siya pwedeng ma contact.

Sa kasalukuyan, marami na umano ang mga natanggap na email ni Chapman mula sa mga kababaihan na nagpakita ng interes na makipag date sakanya.### JDR, BNFM Bicol

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *