Lalaki sa England, walong oras ipina-tattoo ang mga paa ng kanyang paboritong sapatos

PINAKAMASAKIT na karanasan umano ni Blazej Ambrozak, 44 years old mula sa Manchester, England ang walong oras na pagpapatattoo niya ng paborito niyang sapatos na Air Jordans rubber shoes sa kanyang mga paa.

Bagamat pinakamasakit hindi naman aniya pinagsisisihan ang kanyang naging desisyon dahil sa wakas, masusuot na niya ang paborito niyang sapatos kahit kalian, kahit na nga sa pagtulog niya.

Naisip niya na ito ang ipatattoo dahil sa bukod sa ito ay paborito niya, may koleksyon din siya ng mga ito. Dagdag pa niya na kakaiba at bibihira lamang ang ganitong klaseng tattoo.

Sa kabila ng kakaibang experience ni Blaizej, masaya at kakaibang fulfillment ang babaunin niya dahil sa naging parte na ng pagkatao niya ang sapatos na pinaka- paborito at pinaka- gusto niya.###CD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *