Lalaki sa Iran, nananatiling malusog sa kabila ng walang ibang iniinom at kinakain sa loob ng 17 yrs kundi ‘soft drinks’

ANG pagkain ay isa sa mga pinakaimportanteng pangangailangan ng kahit na sino man, kaya ano na lamang ang mangyayari sa iyo kung sakaling itigil mo ang pagkain?

Iyan ang hindi maipaliwanag na pangyayari sa isang 58-anyos na lalaki na si Gholamreza Ardeshiri sa Iran.

Naa 17-taon na kase itong walang ibang kinakain at iniinom kundi soft drinks.

Kwento nito, nagsimula siyang hindi kumain at uminom lamang ng soft drinks nang minsang makaramdam ng kakaiba sakanyang sikmura at lalamunan  na para umanong ito ay may balahibo.

Nang kanyang ipinasuri sa doktor, wala naman itong nakitang anumang findings ngunit dahil sa insidente, umabot sa puntong kapag nakakakita siya ng pagkain ay nasusuka at nagkakasakit na siya.

Simula noon, tanging soft drinks na lamang ang kayang iniinom at hindi na rin kumakain na naging resulta upang magbawas siya ng timbang.

Sa kabila ng hindi pangkaraniwang lifestyle,  nananatiling malusog at walang karamdaman si Ardeshiri batay sa resulta ng kanyang taon-taong pagpapakonsulta sa doktor.|WENCY LISAY

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *