Lalaki sa Michigan, ibinalik ang ninakaw na pera makaraan ang 30 taon

ISANG lalaki sa Michigan ang hindi kapani-paniwalang ibinalik ang $800 na ninakaw niya sa isang mini store noong 1983 sa  makalipas ang 30 taon na pananahimik nito sa kanyang nagawang krimen.

Ibinalik ng lalaki ang pera kasama ang interest nito sa pamamagitan ng sulat na ipinadala niya sa isang sheriff.

Ayon sa Sheriff, kakaiba ang lalaking ito dahil ngayon lamang siya naka-encounter ng isang magnanakaw na isinauli ang ninakaw nito sa may-ari nang may kaakibat pa na interest na $1,200.

Dagdag pa ng sheriff siguro ay ganun na lamang ang pag-uusig sa konsensya ng suspek kaya kahit na 30 taon na ang nakakalipas ay hindi niya ito nakalimutang ibalik sa may-ari.

Dahil dito ang sheriff ay sinadya ang may-ari ng store upang ihatid ang balita at ang perang ninakaw sa kanya, ngunit ayon sa may-ari ibinenta na nito ang kanyang mini store 25 taon na ang nakakalipas, hindi narin umano nila hahanapin at pananagutin ang suspek sa kasalanan nito dahil sapat na umano na hindi siya pinatahimik ng kanyang konsensya ng mahabang panahon.###CD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *