Human Interest

Lalaki sa singapore, ginamit ang 9 na aircon nang sabay-sabay, inireklamo ng kapitbahay

Inireklamo ng mga kapitbahay ang isang lalaki sa Singapore dahil pinag sabay- sabay nitong pinaandar o ginamit ang siyam na air conditioner sa maliit na aparment.

Kinilala ang lalaki na si Huang, 63 anyos na napag-alaman na 24/7 na pinaandar ang aircon sa kanyang apartment sa Sengkang na nagresulta na condensation ng buong apartment kung saan nagkaroon ng black mld ang mga katabing unit.

Dahil sa condensation o pagtutubig ay kinailangan ng isang tenant na maglampaso ng kanilang sahig sa itaas ng pwesto kung saan ang kwarto ni Huang.

Nangamba rin ang iba pang mga katabi sa building dahil ang mga namuong black  mold sa dingding at sa kisame ay posibleng maging panganib sa kalusugan.

Nang makapanayam si Huang, natuklasan na mayroon siyang limang aircon sa living room, dalawa sa master’s bedroom at tig-isa sa tatlong iba pang kwarto.

Paliwanag niya, ang pagpapalamig sa kanyang kwarto ay malaking tulong sa kanyang immunity matapos siyang magkaroon ng liver cancer.

Samantala, bunsod ng maraming nagreklamo kay Huang ay umalis na lamang siya ng apartment noong ika- 17 ng Sityembre.

BNFM Palawan

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

15 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

15 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

15 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

15 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

15 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

15 hours ago