Isang lalaki sa Spain ang sinentensiyahan ng isang taong pagkakakulong matapos sampalin ang kanyang asawa habang naka live sa Tiktok.

Ayon sa ulat, hinatulang guilty ng isang korte sa Soria City ang lalaki sa kasong violence against women at pinagbawalan na din lumapit sa loob ng 300 meters mula sa kanyang asawa o makipag-usap sa kanya sa loob ng tatlong taon.
Nangyari ang insidente sa isang Tiktok battle na isang real time competition noong January 28, kung saan makikitang bigla na lamang sinampal ng lalaki ang kanyang asawa.
Tumanggi nang magsampa ng kaso ang babae ngunit sinabi ng korte, na ilang beses nang nirespundehan ng pulis ang bahay ng mga ito dahil sa pagtatalo sa pagitan ng dalawa at napatunayan na mayroong patuloy na pagmamaltrato sa biktima.//CA