Lalaki sa Thailand, 40 taon nang mayroong mga magnet sa kaniyang mga daliri upang gamitin na pandaya sa isang sugal

Isang lalaki kamakailan sa Thailand ang nagpainstall ng mga magnet sa kaniyang daliri para umano makapagdaya sa isang sugal na tinatawag na “High Low”.

Ang nasabing mga magnet ay 40 taon na umanong nakalagay sa kaniyang mga daliri kung saan, nito lamang nakaraan ay ipinatanggal niya na dahil sa tumatanda na umano siya at di na naglalaro ng nasabing sugal.

Nangangamba rin umano siya na baka mahuli ng security sa airport at maantala ang kaniyang planong sumakay sa kauna-unahang pagkakataon sa eroplano.

Sa isang facebook post ng isang doktor na si Dr. Wat, makikita sa mga larawan ang isang kamay na bagong tahi kung saan katatapos lamang sa isang operasyon.

Ito’y kamay ng isang lalaki na lumapit sa doktor upang ipatanggal ang dalawang magnet sa kaniyang mga daliri.

Naging matagumpay nga ang operasyon ngunit, hindi naman klarado kung paano umano ginagamit ang mga magnet sa pandadaya.

Tanging ang proseso lamang ng High Low ang nabahagi kung saan nilalaro umano ito sa tulong ng tatlong dice.

Maikokosidera na Low ang lalabas kung ang kombinasyon ng bilang ng mga dice ay nasa 2 hanggang 10 at High naman kung ito’y nasa 11 hanggang 18.###|WENCY LISAY

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *