Lalaki sa US inaresto dahil sa tangkang pagdadala ng pampasabog sa eroplano

Arestado ng FBI ang isang lalaki na tinangkang magdala ng pampasabog sa isang eroplano sa Pennsylvania, sinabi ng mga awtoridad ng US noong Miyerkules.

Ayon sa US Authorities, natuklasan ng mga tauhan ng Transportation Security Administration (TSA) ang bomba matapos mag-alarm ang bag ng lalaki sa Lehigh Valley International Airport sa lungsod ng Allentown.

Agad naman inilikas ang mga pasahero at mga empleyado ng paliparan bilang pag-iingat.

Ang suspek, na kinilalang si Mark Muffley, ay agad na umalis sa paliparan matapos tawagan sa security desk, at kalaunan ay inaresto sa kanyang tahanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *