Lalaki sa USA, nagnakaw ng $1 sa isang bangko para lang sa kagustuhan niyang makulong

ISANG  lalaki sa USA na kinilala bilang si Donald Matthew Santacroce, 65 taong gulang, ang nagnakaw ng 1$ o katumbas ng P55  sa isang bangko  para lang sa kanyang kagustuhang makulong sa federal prison.

Ayon sa ulat, tumungo si Donald sa Wells Fargo Bank sa Salt Lake City kung saan iniabot niya ang isang kapirasong papel sa teller, sa sulat nakasaad na “Patawarin mo ako sa paggawa nito ngunit ito ay isang pagnanakaw. Mangyaring bigyan ako ng $1.00 Salamat.”

Agad naman itong tinugon ng teller at ibinigay ang hinihinging dolyar ni Donald subalit matapos nitong matanggap ang pera inutusan naman ulit nito ang teller na tumawag ng pulis at ireport siya.

Sa pagdating ng mga pulis hindi makapaniwala ang mga ito sa ginawang pagsuko at pagbalik ng ninakaw na pera nito mula sa bangko kasabay ng kanyang pag-amin na ginawa niya lamang ang krimen dahil sa kagustuhang makarating sa federal prison.

Ilang araw palang ang nakalilipas ng arestuhin si Donald ay pinalaya rin ito mula sa pagkakabilanggo na agad namang ikinadismaya ni  Donald kaya nag iwan siya ng mga salita sa kapulisan na hindi umano siya titigil sa pagnanakaw hanggang hindi siya naikukulong sa federal prison.###CD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *