Lalaki sinaksak na,  nilagari pa

NAGA CITY – Sinaksak at nilagari pa ang isang 28-anyos na lalaki matapos na pagbintangang nagsumbong sa tunay na asawa ng kinakasama ng suspek sa Brgy. Bagumbayan Sur, Naga City.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay PSMS Toby Bongon, Spokesperson ng Naga City Police Office sinabing dakong alas 9:50 kagabi, nang bigla na lamang sugurin, komprontahin, saka sinasak gamit ang kutsilyo ng suspek na si Rolly Bobares, 24 anyos residente ng Minalabac at kasalukuyang naninirahan sa nasabing Brgy. ang biktimang si Emar Madera, residente ng Brgy. Pacol, Naga City na noon ay nakatayo lamang sa may bahay ng ina sa Queborac.

Hindi pa natapos roon at linagari pa ng bahagya ang leeg ng biktima.

Ayon kay PSMS Bongon, lumalabas sa imbestigasyon na pinagbintangan ito na nagsumbong sa tunay na asawa ng 45-taong gulang na babae na kalove affair ng suspek kaya sila natunton ng original husband.

Kasalukuyan namang nagpapagamot na ang biktima sa isang ospital sa lungsod.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon sa nasabing insidente at kasalukuyan nang pinaghahanap ang suspek.

Habang ang ginang ay maaring kasuhan ng adultery ayon pa sa PNP.

Leave a Reply

Your email address will not be published.