Lalaki, sugatan matapos masagi ng owner ang minamanehong motorsiklo sa Catanauan, Quezon

Sugatan ang isang lalaki matapos umanong aksidenteng masagi ng isang owner-type jeep ang minamaneho nitong motorsiklo sa Barangay Matandang Sabang Silangan, Catanauan, Quezon nitong Linggo, Marso 5.

Ayon sa report, bandang alas 3:20 ng hapon, binabagtas umano ng parehong sasakyan ang direksyon patungong General Luna, Quezon.

Kakaliwa umano noon ang motorsiklo na minamaneho ng 25-anyos na driver habang magoovertake naman ang owner na minamaneho ng 38-anyos na lalaki nang masagi nito ang naturang motor.

Dahil dito, nagtamo ng mga pinsala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang driver ng motor kaya agad rin itong isinugod sa hospital para malapatan ng lunas.

Samantala, nagkasundo naman na ang parehong driver sa mga usapin hinggil sa insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *